top of page

INDIO

  • Angelica Simpao
  • Oct 16, 2016
  • 1 min read

Tuwing ako ay lalabas ng aming munting tahanan

Maririnig ko ang malakas nilang tawanan

Mga kutyang walang katapusan

Kung minsan ako pa ay babatuhin at babatukan

Mata nila’y susundan ako sa bawat aking tapakan

Indio ang aking pangalan

Kayumangi at hindi katangkaran,

Walang kamay sa kanan,

Nagtitinda ng basahan sa daan,

At nangangarap makapasok sa paaralan

Nung minsang may patimpalak sa bayan

Malaking pera ang pwedang mapanalunan

Kantahan daw ang labanan

Kung kaya’t nag ensayo at pinaghandaan

Upang maipakita na ako’y may ilalaban sa kantahan

Ngunit nung mismong araw sa tanghalan

Wala akong damit na mapaghiraman

Umakyat ng entablado kahit kinakabahan

At sa aking pag hawak ng mikropono sa harapan

Silang lahat ay nagtawanan.

Hindi alam kung paano uumpisahan

Ang piyesang aking pinaghandaan

Luha ko’y tumulo at hindi na tumahan

At sa entablado ako ay dali daling lumisan

Hindi ko man lang naparinig ang aking kanta

Dahil aking anyo ang unang napuna

Hindi ko mawari bakit tingin sakin ay walang kwenta

Porket ba ako’y mabaho at mukhang basura

Pati aking talento binase sa itsura.

Comments


© 2023 by Jessica Priston. Proudly created with Wix.com

bottom of page