PAGBANGON
- Angelica Simpao
- Oct 16, 2016
- 1 min read
Sa lahat ng aking napagdaanan,
Bawat poot at galit na aking naramdaman,
Magmahal at magpatawad ang aking natutunan.
Mga pagsubok na hindi inaasahan,
Nagpalakas sakin ng lubusan.
Hindi ko naisip ang nakaraan,
Ay akin na palang nalagpasan.
At ngayon ay handa ng umpisahan,
Ang bawat haharaping laban.
Comments