top of page

Pagkukulang na dapat punan, sa sarili nga ba dapat umpisahan?

  • Angelica Simpao
  • Oct 16, 2016
  • 1 min read

Mainit na nga, lagi pang traffic? Ayon nga kay Lourd De Vera sa isa sa kanyang dokyumentaryo padami na ng padami ang mga sasakyan pero bakit hindi naman dumadami ang daan? Saan nga ba napupunta ang mga tax na binabayaran ng mga tao? Ilang beses ng sinasabi ang poblemang ito ngunit ilang taon ng nanatiling hindi nareresolbahan.

Sa aking palagay ay tama lang naman ang mga tax na ating nababayaran. Isipin mo paano na lang ang mga batang nag-aaral sa publikong paaralan, mga pasyente sa publikong hospital, pampublikong inprastraktura at mga serbisyong pampubliko. Isa sa mga hinaing ng bawat Pilipino na may kanya-kanyang poblema at pilit na sinisisi ang sistema. Sino nga ba talaga ang may pagkukulang?

Marami na atang nakalimot sa responsibilidad na ikinakaharap ng indibidwal kung kaya’t isa na lamang ang may hawak sa lahat. Sinasabing simpleng poblema na lang ng bansa ay hindi pa magawan ng solsuyon.

Ikaw ba sa iyong palagay may nagawa ka kahit isang mallit na bagay para may maibahagi ka para sa pagbabago na iyong inaasam? Natanong mo na ba kung sino ang may tunay na pagkukulang?

コメント


© 2023 by Jessica Priston. Proudly created with Wix.com

bottom of page