top of page

KANDADONG LAPIS

  • Angelica Simpao
  • Oct 16, 2016
  • 1 min read

Kung pwede lang sanang

Burahin ang mga linyang

Naka guhit sa aking patutunguhan

Hindi ako mag aalinlangan.

Kung maari lang ay ayaw ko na kung nasan ang karamihan, Puno ng galit at kasakiman. Mga taong magdidikta kung saan

Ang aking dapat puntahan.

Lugar na wala ng pwedeng takbuhan.

Ako ay nawasak at nasasaktan,

Unti unti ng nawawalan Lapis na iyong tinatasahan

Parang awa mo na, ako ay iyong pakawalan!

Comments


© 2023 by Jessica Priston. Proudly created with Wix.com

bottom of page